Ulan – College Essay Example
Ulan – College Essay Example

Ulan – College Essay Example

Available Only on StudyHippo
Topics:
View Entire Sample
Text preview

Naririnig ko ang patak ng ulan habang ako ay tahimik na nakaupo sa aking paboritong silya. Umiinom ako ng mainit na tsokolateng gatas at kumakain ng mainit na tinapay. Maririnig ko ang paglakas at paghina ng ulan sa labas ng aming bahay. Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang mga batang naliligo at naglalaro sa kalye. Masasabi ko sa kanilang mga mukha na sobra silang nasisiyahan. Magkahalong ligaya, lungkot at pagkainip ang aking nararamdaman sa panahong ito. Maraming mga pangyayari ang pumasok sa aking isipan, malulungkot at maliligaya.

Natulala ako at tinanong ko ang aking sarili kung bakit ko ba nadadama ang mga bagay na ito ngayon? Hindi nagtagal, nasagot ko rin ang tanong na ito…umuulan pala. Kaya inisa-isa ko ang aking mga dinadamdam at inisip ko talaga ang mga bagay na nakadulot sa mga damdamin k

...

ong ito. Naliligayahan ako tuwing umuulan dahil naiisip ko ang mga masasayang pangyayari noong bata pa ako. Naaalala ko ang mga kaarawan ko kung saan dumadalo ang aking mga kaibigan. Kami ay naglalaro ng pinata, pabitin at iba pang mga party games. Ngunit noon, ang nakapagsasaya talaga sa akin ay ang mga maraming regalo na aking natatanggap.

Kapag may Barbie ako o Bratz, parang nasa langit na ako. Tumawa ako sa aking sarili ng naalala ko ito. Pagkatapos ng ilang segundo, naaala ko rin ang mga lakbay ko sa ibang bansa. Tulad na ng pagpunta ko ng America noong nasa ika-limang lebel ako sa grade school. Sobrang saya ang bakasyon na iyon. Pinuntahan namin ang Las Vegas, Arizona, California, Florida, New Hampshire, New York, New Jersey at Boston. Sa bawat state na ito, may iba’t iba akong maliligayang karanasan n

View entire sample
Join StudyHippo to see entire essay

kahit kalian man ay hindi ko malilimutan. Ngunit ang pinakamasaya na bahagi ng lakbay kong ito ay ang pagpunta ko sa Florida.

Bakit nga ba? Dito ko natupad ang aking pangarap noong bata pa ako na pumunta sa DisneyWorld at makita ang mga Disney Characters. Kaya agad akong tumayo at hinanap ang mga larawan ng bakasyong ito. Nang nakita ko na, pumunta ako sa aking kapatid at sabay naming tiningnan ang mga lawaran. Nakangiti at nagbibiruan kami habang ginagawa namin ito. Nakita ko rin ang mga larawan ng mga Christmas at New Year ng aming pamilya taon-taon. Napakasayang makita ang mga ngiti sa aming mga mukha habang sinasalubong namin ang kaarawan ni Hesus at sa bagong taon.

Nadama ko nga ako nga ay masuwerte sa buhay dahil binigyan ako ng Diyos ng isang maganda at masayang buhay at ako ay lubos na nagpapasalamat sa kanya. Hindi pa rin tumitigil and ulan kaya ako ay pumunta sa aking kwarto at nagmukmok. Dito ako nakadamdam ng kalungkutan. Tinanong ko ang aking sarili kung bakit nga ba? Naalala ko ang mga malulungkot at masasakit na pangyayari na naranasan ko noon. Pumunta sa isip ko ang panahon kung saan namatay ang mga mahal ko sa buhay. Isa na ang aking great grand lola na namatay sa edad na 96. Sobrang lungkot na pangyayari iyon kasi minahal at malapit talaga kaming pamilya sa kanya.

Dahil sa ulan, naaala ko ang mga iyak at lungkot sa mukha ng mga tao sa panahong iyon. Naalala ko rin ang pangyayari kung saan una akong nasaktan. Masakit at malungkot ang pangyayaring iyon. Ako ay nag Kinuha ko ang aking ipod at nakinig sa mga malulungkot na mga

awit habang tumitingin ako sa labas ng aking bintana. Minamasdan ko ang patak ng ulan sa aking bintana at ako ay nakadama na ng paggiginaw.. Sa isang saglit, parang nakadama ako ng inspirasyon na tapusin ang ginagawa kong tula na hindi ko matapos-tapos. At iyon, pagkatapos ng kalahating oras, natapos ko rin ang aking tula.

Ito ay pinamagatang “Come Winter, be my Wonderland”. Sobrang saya ko ng matapos ko ito dahil ilang araw ko nang sinusubukan na tapusin pero wala talaga. Palagi lang ako humihinto sa kalagitnaan at wala nang maisusulat pa. Kaya nagpapasalamat ako sa ulan dahil kung hindi dahil sa kanya, wala ang “Come Winter, be my Wonderland”. Agad kong binuksan ang aking laptop at linagay sa isang social networking site ang tula ko. Marami ang nagandahan at alam nilang matagal ko na itong sinimulan pero hindi ko matapos-tapos. Ako ay tinanong nila kung paano ko ito natapos. Ang aking sagot? Ulan.

Nagtawanan ang aking mga kaibigan ngunit sila rin pala ay may mga nakakamit tuwing umuulan. Tulad na ng isa kong kaibigan na si Alexa, sinabi niya sa akin na siya daw ay nakagawa ng isang kanta. Hindi niya inakala na may kakayahan siyang gumawa nito. Sabi pa nga niya na ito daw ang kanyang unang pagkakataon na nakagawa siya ng kanta. Sobrang saya niya daw ng nakabuo siya nito. Gustong-gusto kong margining ang kanyang ginawa kaya sinabihan ko siyan ilagay ito sa YouTube para makita rin ng ibang tao. Pagkalipas ng ilang oras, nailagay na rin niya ang kanta sa YouTube at doon ko narinig.

Hindi lang pala ako, marami pang mga tao sa ibang bansa ang naglagay ng kanilang mga komento na nagsasabi

kung gaano ka ganda ang boses at ang kanta niya. Nagkita kami ni Alexa sa mga sumunod na araw at napagusapan namin ang aming mga nakamit tuwing umuulan. Napatunayan namin na totoo nga na nagbibigay ng iba’t ibang emosyon ang ulan. Bawat tao ay iba’t iba ang nadadarama tuwing pumapatak ang ulan. Hindi masama kung nakakadama tayo ng lungkot man o saya, dahil sa mga emosyon na ito, nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi natin inakala na may kakayahan pala tayong gumawa.

Totoo nga na ang ulan ay nagbibigay inspirasyon sa isang tao. Ngunit depende na ito sa tao kung paano niya dadalhin ang kanyang sarili sa mga emosyon na kanyang nadadama tuwing umuulan. Masasabi kong totoo nga ang linya sa isang kanta ng Southborder na “There’s a rainbow always after the rain. ” dahil kahit ano mang kadiliman ang ating dinadaanan, makakakita rin tayo ng liwanag at kasiyahan sa huli. Pagisipan mo ng mabuti ang tanong na ito: Ikaw ba ang uri ng tao na patak lang ng tubig ang tanging nakikita at naririnig tuwing umuulan? O ang taong nakakadama ng iba’t ibang emosyon tuwing umuulan?

Get an explanation on any task
Get unstuck with the help of our AI assistant in seconds
New